Footer

Ang Literatura Ilokana sa Lungsod ng Baguio (Ikalawang Bahagi)

NAGKAROON muli ng reorganisasyon ng GUMIL Baguio-Benguet noong ika-9 ng Abril 2000 sa Room 203 ng Baguio Colleges Foundation (University of the Cordilleras na ngayon). Ang mga opisial ay sina Clarito de Francia, presidente; Reynaldo Cadangen, bise presidente; Cecil Peta-Kuan, sekretarya; Dr. Priscilla S. Macansantos, tesorera; Alexander Quitoriano, Auditor; Bagnos Cudiamat, Bus. Manager; PIO si Jaime Agpalo, Jr; mga direktor sina Francis Macansantos, Tolentinio Opiniano, Avelina Jackie Acoba-Ver, Jimmy Laking, Jenny Agpalo, Rodrigo Manongdo. Tagapayo sina Peter La. Julian, Jaime Luzano, Atty. Renato Fernandez at Judge Rodolfo Manzano. Nagtatag ang grupo ng isang newsletter, ang “PASIKING.”

Noong nakaraang taon, 2005, muling itinatag ang panibagong GUMIL Baguio-Benguet sa pamumuno ni Zaldy Galuz. Mga dramatista at scriptwriters ng radyo asng bumubuo nito: bise presidente, Luvimin T. Aquino; sekretarya, Letty A. Aquino; tesorera, Lolita J. Mananes; oditor, Remedios G. Balderas; PRO, Teresita G. Calay; Bus. mgrs, Mary Jean Y. Castro, Virginia P. Alasaas at Claire B. Sabiano; muses: Jena C. Almoite at Daisy Lou Caburnay; members of the board, Rodrigo M. Manondo, Fernando R. Alvarado at Lilia D. Sato; tagapayo, Clarito G. de Francia at Peter La. Julian; legal adbayser, Judge Rodolfo Manzano.   

Mayroon na ring mga miyembro na nanalo sa mga patimpalak pampanitikan hindi lamang sa Iluko kundi pati na rin sa English at Filipino tulad ni Peter La. Julian. Nag-ani rin ng tig-isang gantimpala sina Jenny Agpalo at Rosemarie Calisen-de Francia; tiggatlong gantimpala sina Cecil Peta-Kuan at Bagnos Cudiamat; si Clarito de Francia ay umani na ng walong gantimpala, kabilang ang dalawang Palanca Awards; si Jaime Agpalo Jr. ay umani rin ng dalawamput tatlong gantimpala kabilang dito ang Palanca Awards at Paligsahan ng Tula sa Homelife Magazine. Dalawa na rin ang umani ng Bucaneg Awards, ang pinakamataas na gantimpalang ibinibigay nga GUMIL Filipinas sa mga miyembro nito, sina Peter La. Julian at Amador Daguio. Napakalaki rin ang tulong na ibinibigay ng University of the Philippines Baguio Educational Foundation sa Literatura Ilokana simula noong 2000 sa pag-aanyaya ng mga makatang Iluko sa taunang ginaganap na Poetry Reading. Kabilang sa mga naanyayahang nagbigkas ng tulang Iluko ay sina Bagnos Cudiamat, Clarito de Francia at Jaime Agpalo, Jr. Nakikilahok din ang GUMIL Baguio-Benguet sa mga paligsahan, tulad ng Saribitniw. Ang saribitniw ay declamation sa Iluko na isinusulong ng Spade Foundation ng La Union sa tulong ng National Commission for the Culture and the Arts. Ang Saribitniw ay ginaganap muna sa lahat ng GUMIL provincial chapters, ang: Metro Manila, Pangasinan, Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Abra at Benguet. Ang mga nanalo sa mga provincial chapters ay siyang naglalaban-laban sa nasyonal. Noong nakaraang taon, taga-Baguio ang nanalo ng Ikatlong Gantimpala sa nasyonal, si Luvimin Aquino. Dalawang hurado nito ay mula sa GUMIL Baguio-Benguet, sina Peter La. Julian at Jaime Agpalo, Jr.

Siguro, ang karamihan, ang alam lamang na epiko ng mga Ilokano ay ang Lam-ang, ang tinaguriang Pambansang Epiko. Hindi po. Napakayaman po ang Oral Arts ng mga Ilokano. Mayroon pang ibang epiko, tulad ng Allusan, isang micro-epic na iprinisenta ni Engracia Bangaoil noong 1984 bilang parte ng kanyang undergraduate thesis sa Ateneo de Manila University College of Arts and Sciences. Ang Epikong Donya Senas, ay isang komikal na epiko. Ang Epikong Dagdagimuyo ay naglalarawan ng eksploytasyon ng mga Ilokanong naninirahan sa kabundokan. Ang Epikong Indayuan ay micro-epic ng mga Remontados at ang pagsilang ng Amburayan Province bago itinatag ang La Union. Komikal din ang Epikong Poliganay. Ang Epikong Donya Annagud ay nagsasalamin ng relasyon ng mga Ilokano at ng mga taga-Kordilyera.

[ May karugtong ]

Comments are closed.