Footer

Ti kur-itan, kurditan, ortograpia, ortografia (Maikanem a paset)

TI MAKUNA NI PAUL MORROW

Mga Salitang Siyokoy

Inaakala ng marami na hindi nababagay ang wikang Filipino sa mga pangangailangan ng mga Filipino ngayon dahil anila’y kulang daw ito sa mga salitang kailangan sa pagtalakay ng malalalim na paksa tulad ng agham, pilosopiya, teknolohiya, sining at iba pa…

TI MAKUNA NI PAUL MORROW

Mga Salitang Siyokoy

Inaakala ng marami na hindi nababagay ang wikang Filipino sa mga pangangailangan ng mga Filipino ngayon dahil anila’y kulang daw ito sa mga salitang kailangan sa pagtalakay ng malalalim na paksa tulad ng agham, pilosopiya, teknolohiya, sining at iba pa. Ang karamihan sa mga taong may ganitong palagay ay wikang Ingles ang ginamit sa pag-aaral. Bagama’t ginagamit din nila ang wikang Filipino sa pang-araw-araw na usapan, kinakapos sila sa mga salitang Filipino na maaaring gamitin sa pagtalakay ng mga malalim na bagay. Mapapansin na sa halip na pagbutihin nila ang kanilang paggamit ng sariling wikang Filipino, sinisisi ng ilan ang naturang wika sa mga pagkakataon na hindi nila maisip ang mga salitang kailangan sa pananalita. Minsan sasabihin nilang, “Hindi masasabi ‘yon sa Filipino,” o “Masyadong malalim ‘yon. Hindi maiintidihan ng iba.” Tila mas madali sa kanila ang manghiram ng isang salitang Ingles na alam na nila sa halip na buklatin ang isang diksiyunaryong Filipino. At upang mapagtakpan nila ang kanilang katamaran, huhulaan na lamang nila ang isang salitang Espanyol na sa wari nila’y katumbas ng iniisip na salitang Ingles at sasabihin na lamang na ito’y bahagi ng wikang Filipino. “Accepted na ‘yan,” anila. Kadalasan ay umuubra ang ganitong estratehiya dahil magkakahawig ang maraming salitang Ingles at Espanyol sa kahulugan at baybay. Ngunit paminsan-minsan ay pumapalpak ang ganitong hula-hula at nabi-bisto tuloy ang kanilang pagkukunwari kapag ginagamit nila ang mga huwad na salita na hindi tunay na Espanyol at hindi rin naman Ingles.

Tulad ng halimaw ni Dr. Frankenstein sa kuwento, na kaniyang ginawa mula sa mga bahagi ng katawan ng iba’t ibang tao, ang mga naturang salita ay binubuo ng iba’t ibang wikang banyaga ngunit hindi naman kinikilala ang mga ito saanman sa daigdig. Mga salitang siyokoy ang tawag dito ng manunulat at makatang si Virgilio S. Almario, mula sa kathang-isip na taong-dagat na anyong lalaki ang katawan na may kaliskis at tila isda ang ulo. Ang tawag dito sa Ingles ay merman o kung babae ay mermaid.

Si Almario ay isang manunulat na matagal nang nagsisikap upang payamanin at paunlarin ang wikang Filipino. Ipinaliwanag niya sa isang pagtitipon ng kaniyang mga pitak, Filipino ng mga Filipino, kung paano nagkakaroon ng mga salitang siyokoy:

Ang bokabularyong siyokoy. Mas malapit sa ating wika ang bigkas sa mga salitang Espanyol. Sa gayon, malimit na isa-Espanyol ng mga akademista ang mga hiram nila sa Ingles. Ngunit dito mas lumilitaw ang kanilang kabobuhan. Dahil hindi bihasa sa Espanyol, nakalilikha sila ng mga salitang siyokoy – hindi Ingles, hindi Espanyol (gaya ng “aspeto”… na hindi aspect ng Ingles at hindi rin aspecto ng Espanyol). (Virgilio S. Almario, Diyaryo Filipino, 1992 mula sa Filipino ng mga Filipino, 1993 p. 30)

Bilang isang mag-aaral ng wikang Filipino, tinitipon ko ang mga salitang siyokoy na maaaring ikahihiya ko kung aking gagamitin. Kasama rin sa talaang ito ang mga tamang salita sa Espanyol at Ingles at ang mga katumbas sa wikang Filipino.

Manipud kadagiti inurnong ni Paul Morrow, mangadawtayo met ken inayontayon ti Iluko a wagas iti panamagdilig. Umadawtayo iti English.

  1. adventurer (English)
    Adventurero (Almario’s Siyokoy)
    Aventurero (Espanyol)
    Abenturero; taong mapagsapalaran (Filipino)
    Managdakiwas, mannakigasanggasat (Patneng nga Iluko)
    Abenturero (Ilukogalog – Iluko a binulod iti Tagalog)
    Adbentiurer (Iluklish)
  2. dialect (English)
    dayalekto (Siyokoy)
    dialecto (Espanyol)
    diyalekto, wika, salita (Filipino)
    sao, saoda (patneng nga Iluko)
    dayalek (Iluklish)
  3. dialogue (English)
    Dayalogo (Espanyol)
    Diyalogo, salitaan, usapan, pag-uusap (Filipino)
    tungtongan, saritaan (patneng nga Iluko)
    dayalogo (Ilukogalog)
    dayalog (Iluklish)
  4. grocery (English)
    Groserya (Siyokoy)
    Abaceria, tienda (Espanyol)
    Tindahan (Filipino)
    Dapon, tiangge, garreta (patneng Iluko)
    Tiendaan (Ilukogalog)
    Istor, market (Iluklish)
    Marketan, istoran (Cordilleran Iluko)
  5. contemporary (English)
    Kontemporaryo (Siyokoy)
    Contemporaneo (Espanyol)
    Kapanahon (Filipino)
    Napapanawen (Iluko)
  6. comprehensive (English)
    Komprehensibo (Siyokoy)
    Comprehensivo (Espanyol)
    Masaklaw (Filipino)
    Masakupan, maudaudan (Iluko)

Napintas pay ti salaysay ni Paul Morrow a napauluan iti A Brief Guide to Filipino Pronunciation ken daytoy salaysayna, Ang Pinagmulán ng mga Wikà ng Filipinas a kas nayon iti pagiinnadalan.

Ngem kapintasan amin kaniak ti salaysay ni Paul Morrow a Filipino at Iba pa.

La ngaruden…