Footer

Linggwistik na demokrasya, mapagpalayang wikang pambansa,… (Ikalawang yugto)

Ang bagong pilosopikal na basehan ay humihingi rin ng pagsasakripisyo mula sa mga institusyon, indibidwal, at komunidad ng mga mamayang mulat at malay upang maisa-katuparan ang pagsasaban-sang tunay ng Filipino bilang wikang pambansa.

Linggwistik na demokrasya, mapagpalayang wikang pambansa, panlipunang katarungan at dibersidad ng wika at kultura

(Si Dr. Agcaoili ay nagturo sa University of the Philippines, Diliman ng mahigit na 20 taon bago lumipat sa Unibersidad ng Hawaii sa Manoa. Ang sanaysay niyang ito ay nagkamit ng Ikalawang Gantimpala sa 2006 Gawad sa Sanaysay, Komisyon ng Wikang Filipino, Republika ng Filipinas -Ed.)

Ang bagong pilosopikal na basehan ay humihingi rin ng pagsasakripisyo mula sa mga institusyon, indibidwal, at komunidad ng mga mamayang mulat at malay upang maisa-katuparan ang pagsasaban-sang tunay ng Filipino bilang wikang pambansa.

Walang panggitnang daan sa pagpapalitaw sa Filipino bilang wikang pambansa. Ang panggitnang daan ay instru-mento lamang ng panibagong manipulasyon upang maisu-long ang mga tagong adhikain ng mga kalaban sa kalayaan at kasarinlan, mga tagong adhi-kain na mithiing nananatiling nananahan sa puso at kalu-luwa ng nakararaming mama-mayan sa kabila ng katusuhan ng naghaharing uri.

Tutugunan ng tunay na Filipino bilang wikang pam-bansa, at ng Filipino bilang tunay na wikang pambansa, ang mga tanong tungkol sa pagsasapalsipika ng diwa ng mga mamamayan ayon sa makitid at mapang-angking parametro ng mga makapang-yarihang pawang mga awtor at pasimuno at aktor ng di na mabilang na kuwento ng kawalan ng katarungan. Gayon din na ibubunyag ng tunay na Filipino bilang wikang pam-bansa, at ng Filipino bilang tunay na wikang pambansa, ang kabalintunaang inilala-kong totoo, tama, at ligal. Ang kabalintunaang ito ay ito: isang uri ng “Filipino bilang wikang pambansa” na, una, hindi naman “Filipino”, at pangalawa, hindi naman “wi-kang pambansa.”

Ang sa una ay ang pagpa-panatili ng gramatika ng manipulasyon sa wikang pam-bansa, isang gramatika ng ma-nipulasyon na sintagal na ng kuntsabahan sa pagitan ng mga elit sa ekonomiya at ng politika kasama ang kanilang mga dayuhang panginoon. Lihis ito sa reyalidad ng diber-sidad ng mga diwa at isip mula sa mga napakaraming ling-gwistik at kultural na pama-yanan sa bansa. Ang gramatika ng manipulasyong ito ay nana-natili ring balarila ng panana-kop sa kaisipan ng mga hindi taga-sentro ng kapangyarihan.

Ang pangalawa ay ang tuloy-tuloy na pagtanggap bilang tama at naayon na ang karanasang kultural at ling-gwistik ng isang pamayanan ay siya rin karanasang kultural at linggwistik ng lahat ng mga pamayanan. Maliban sa mapanlahat at mapanakop ang ganitong pag-iisip, isinasantabi nito ang pag-iral ng iba pang mga pamayanan, ng iba pang mga diwa, ng iba pang mga isip, at ng iba pang mga wika, tunog, alaala, gunita, at sistema ng pagpapakahulugan. Sa isang bansang tahasang multi-kultural at multilinggwistik, ang ganitong uri ng pilosopiya ng wika ay walang saysay, hindi dapat binibigyan ng saysay, ang saysay, kung meron, ay winawalang saysay.

Ang kabalintunaang naga-nap, at patuloy na nagaganap, sa kasaysayan ay isang uri ng maskaradong kabalintunaan na ipapalaganap at ipinapalawig bilang katotohanan ng mapag-haring kasaysayan ng mga elit ng wika, kultura, kapangya-rihan, at kaalaman na kahit kailan ay hindi ibinilang ang kontribusyon at pagsasaprak-tika ng masang nag-iisip at mulat at malay, ang uri ng masang tunay na tagapagtago ng pangarap para sa bansang awtentikong nagsusulong ng mga ideya tungkol sa pagkamit ng isang malayang bansa at kabansaan.

Bansa at Kabansaan

Kakambal ng wikang pabansa ang usapin tungkol sa bansa at sa kabansaan.

Kailan man, ang bansa ay hindi isang tapos na usapin, hindi isang artifak ng kasasayan o ng mga relasyong politikal ng mga grupo ng mga tao na, sa kaso ng Filipinas, ay kadalasan ay ang kwalifikasyon sa pag-hahari ay ang kahusayang makipagkurratsahan sa mga nanghuhuthot na dahuyan, mga mangangalakal na ignorante sa etikal na responsibilidad ng puhunan, mga banyagang among imperyalista na ang tanging ambisyon ay sakupin ang mundo at angkinin ang sansinukob sa pamamagitan ng kanilang mga ideya tungkol sa kanilang demokrasya, panli-punang katarungang sila ang unang benefisyari, at kaban-saang umiikot sa kanilang imahinasyong politikal na sila ang sentro ng mundo, na ang lahat ng mga bansa sa daigdig ay sa kanila dapat iikot tulad ng pag-ikot ng mga planeta sa araw.

Ang bansa at kabansaan bilang proyekto at programa ay nililikha—obrang di matatapus-tapos sapagkat walang kata-pusan, laging isinasagawa, isinasakatuparan. Organik, buhay, humihingi ng buhay, gustong mabuhay, ang bansa at kabansaan ay umiiral sa ima-hinasyon ng mga mamamayang mulat at malay sa mga bisyon at misyon at adhikain ng nakara-rami sa kalayaan at kaunlaran para sa lahat.

Ang bansa bilang isang imahinasyong politikal ay tulad din ng Filipino bilang wikang pambansa. Ang para-lelismo ng dalawa ay hindi isang aksidente kundi nang-gagaling ang usapin at dis-kurso ng wikang pambansa sa ideya mismo ng pagiging isang bansa. Ang kabansaan ay suma ng lahat ng mga nosyon sa pagiging bansa kasama ang wikang malaya sapagkat nagpapalaya, maka-bansa, pambansa.

Mayroong isang dinamismo sa ganitong relasyon ng bansa at ng wikang pambansa sapag-kat inuugat ang nosyon at konseptuwalisasyon ng wi-kang pambansa sa proyekto at programang politikal ng isang grupo ng taong nag-lalayong makabuo ng isang pamaya-nang nagsisilbing tahanan mis-mo ng kanilang mga pangarap, panaginip, adhikain, damda-min, saloobin, nakem, buot.

Ibig sabahin, ang ganitong pamayanan ay may kakayahan magbigay ng taguan at kublian ng anito ng mga ninunong anito rin ng ngayon at kina-bukasan, ng espiritu ng paki-kidangadang sa ngalan ng kalayaan at kasarinlan, at ng kaluluwa ng lahat ng nais at pagsinta para sa sarili at sa iba. Sa madaling sabi, merong daynamik ang diskurso ng Filipino bilang wikang pam-bansa sapagkat nakabatay ito sa daynamik mismo ng dis-kurso ng bansa, at samakatwid, ng kabansaan.

(May karugtong)

Comments are closed.