Footer

NUTRITION CORNER: Kulitis, masustansya na, libre pa

Itinuturing na damo ng marami at tagadala ng mga peste sa kabukiran. Ganito kung paano ituring ang kulitis (tagalog) o mas kilala sa kalunay ng mga Ilokano. Ang halamang ito na  may siyentipikong pangalan na “Amaranthus Spinosus” ay isa palang gulay na mayaman sa bitamina gaya ng Vitamin A, C,  K, V, B6 Riboflavin at Folate. Sagana rin sa mineral ang naturang halaman gaya ng calcium, iron, magnesium, phosphorus, potassium, zinc, copper at manganese.

Ayon kay Mrs. Mercidita Queddeng, mananaliksik ng University of Northern Philippines mainam na malaman ng lahat ang taglay na sustansya ng kulitis, dahil sa panahon ngayon na halos araw-araw ay tumataas ang presyo ng mga gulay, gayong nariyan lamang sa ating mga bakuran ang kulitis na kusang tumutubo. Masarap na gawing ensalada, dinengdeng at panghalo sa mga iba pang lutuing gulay.

Maituturing na exotic vegetable ang kalunay na maaring gamitin bilang substitute sa malunggay, kangkong at kamote. Sa katunayan ay tinatangkilik na sa ibang bansa ang kulitis bilang masustansyang gulay at kasalukuyang pinag-aaralan kung maari rin itong gamitin sa larangan ng medisina.

Sa panahong halos tila mahirap na ang kabuhayan, magandang malaman natin na may mga halamang gaya ng kulitis na maaring lutuin at ihain sa hapag kainin. Isang halamang libre na at masustansya pa.#

Comments are closed.