Footer

NUTRITION CORNER: Anemia, kakulangan ng mineral na iron sa katawan

Ang anemia ay sanhi ng kakulangan ng mineral na iron sa ating katawan. Ang taong anemic ay  madaling napapagod, nanghihina ang katawan at nahihilo.

Kailangan ng ating katawan ang mineral na iron para sa pagbuo ng malusog na dugo at paggawa ng “antibodies” o mga panlaban sa impeksyon kaya kumain tayo ng mga pagkaing mayaman sa iron tulad ng atay, karne, pula ng itlog o eggyolk at mga lamang-loob.

Makukuha din ang iron sa gulay na madahon at dilaw katulad ng kulitis, malunggay, talbos ng kamote, petsay, at butong gulay.

Kailangan ding kumain tayo ng mga pagkaing mayaman sa bitamina C tulad ng papaya, bayabas, at datiles para magamit ng mabuti ng ating katawan ang mineral na iron.

Ang regular na deworming o pagpurga ay makatutulong sa pagsugpo ng anemia at maayos na kalagayang pang-nutrisyon.

Tandaan na palagiang isama ang mga pagkaing mayaman sa mineral na iron at bitamina C para maiwasan ang anemia sa mga bata at sa buong pamilya.#

, ,