Footer

Gabay sa #First1000Days, Sanlibong Araw Tungo sa Magandang Kinabukasan!

Ang pagbubuntis ni Nanay ay napakahalagang yugto ng buhay. Para sa magandang kinabukasan, kailangan paghandaan ang kanyang pagbubuntis. Narito ang ilang mga babala para matulungan si Nanay at ang inyong Pamilya:

1. Kung hindi pa miyembro, mag-enrol na sa PHILHEALTH sa lalong madaling panahon. Samantalahin ang mga libreng benepisyo para sa kaligtasan at kalusugan ng inyong pamilya.

2. Habang hindi pa handa magka-anak, pumunta sa health center upang mapayuhan kayong mag-asawa at mabigyan ng libreng gamit para sa PAGPAPLANO NG PAMILYA na nababagay sa inyo.

3. Habang hindi pa buntis si Nanay, dalhin siya sa health center para sa CHECK-UP AT BAKUNA laban sa tetano dahil ang tetano ay nakakamatay sa nanayat baby.

4. Kapag nais nyo nang magkaanak, mabuting umpisahan na ni Nanay ang pag-inom ng IRON AT FOLATE isang beses kada linggo para maiwasan ang anemia at depekto sa bata. Kumunsulta sa health center tungkol sa iron at folate.

5. Upang masiguro ang malusog at ligtas na pagbubuntis ni Nanay, bigyan siya ng mga MASUSTANSYANG PAGKAIN tulad ng mga makukulay na gulay, prutas, isda, karne, itlog at atay habang hindi pa siya buntis.