Footer

Balik-Eskwela na! Sa iyong Nutrisyon, Sigurado ka?

Ngayong pagbabalik-eskwela, siyasatin ang inyong mga anak, kapatid, alaga, kaibigan, kasama, kakilala o kahit ang inyong sarili kung kayo’y nasa mabuting kala-gayang pangnutrisyon at pangkalusugan.

Narito ang ilang tips na maaaring makatulong sa inyong hanap na dunong:

  1. Gawing kaakit-akit ang mga inihahain na pagkain sa mga bata. Maaring gumamit ng mga pagkaing may iba’t-ibang kulay tulad ng gulay at prutas upang sila’y maeng-ganyong kumain.
  2. Siguraduhing kumain ng almusal dahil ito ang pinaka-mahalagang pagkain na nag-sisilbing enerhiya ng katawan para magampanan ang mga gawain sa buong araw.
  3. Hangga’t maaari, mag-hain ng inuming gatas o anumang produktong may-roong gatas sa araw-araw na pagkain sapagkat ito’y maya-man sa calcium.
  4. Habang siya’y lumalaki, bigyan siya ng mga pagkaing sagana sa bitamina A, C at D tulad ng mga gulay, prutas, sardinas at iba pang isda, atay ng manok at baboy, at itlog.
  5. Bigyan siya ng sapat na inumin at mga pagkaing may sabaw araw-araw tulad ng sopas, fresh fruit juice at higit sa lahat, tubig.
  6. Maghain ng 2-3 servings ng prutas at gulay araw-araw. Magsilbi rin ng mga root crops tulad ng kamote at patatas sa kanyang pagkain na hindi bababa sa tatlong beses kada lingo.
  7. Bago kumain, huwag magkokonsumo ng mga pagkaing matatamis at maasukal. Iwasan ang mga ito upang hindi magkaroon ng sakit sa ngipin.
  8. Piliin ang mga pagkaing may protina tulad ng karne, isda, itlog, keso at mga butong gulay. Sa kabilang banda, iwasan ang mga pagkaing matataba at mamantika.
  9. Tiyaking palaging malinis ang kamay at pangangatawan upang ligtas ang paghahanda ng pagkain.
  10. Maging aktibo. Ang tamang pagpili ng mga pagkain, pagpapanatili ng wastong timbang at pag-eehersisyo ay siguradong magdudulot ng iyong magandang kalusugan.

Kabataan, ang tamang nutrisyon, iyong alamin, isagawa at isabuhay bilang kaagapay sa paghahanda ng sarili sa pagtupad ng pangarap.  Kaya’t ikaw, mag-aaral,  magbalik paaralan na may ngiti, kapiling ang kalusugang maluwalhati. (Source: FNRI-DOST)