Ngayong pagbabalik-eskwela, siyasatin ang inyong mga anak, kapatid, alaga, kaibigan, kasama, kakilala o kahit ang inyong sarili kung kayo’y nasa mabuting kala-gayang pangnutrisyon at pangkalusugan.
Narito ang ilang tips na maaaring makatulong sa inyong hanap na dunong:
- Gawing kaakit-akit ang mga inihahain na pagkain sa mga bata. Maaring gumamit ng mga pagkaing may iba’t-ibang kulay tulad ng gulay at prutas upang sila’y maeng-ganyong kumain.
- Siguraduhing kumain ng almusal dahil ito ang pinaka-mahalagang pagkain na nag-sisilbing enerhiya ng katawan para magampanan ang mga gawain sa buong araw.
- Hangga’t maaari, mag-hain ng inuming gatas o anumang produktong may-roong gatas sa araw-araw na pagkain sapagkat ito’y maya-man sa calcium.
- Habang siya’y lumalaki, bigyan siya ng mga pagkaing sagana sa bitamina A, C at D tulad ng mga gulay, prutas, sardinas at iba pang isda, atay ng manok at baboy, at itlog.
- Bigyan siya ng sapat na inumin at mga pagkaing may sabaw araw-araw tulad ng sopas, fresh fruit juice at higit sa lahat, tubig.
- Maghain ng 2-3 servings ng prutas at gulay araw-araw. Magsilbi rin ng mga root crops tulad ng kamote at patatas sa kanyang pagkain na hindi bababa sa tatlong beses kada lingo.
- Bago kumain, huwag magkokonsumo ng mga pagkaing matatamis at maasukal. Iwasan ang mga ito upang hindi magkaroon ng sakit sa ngipin.
- Piliin ang mga pagkaing may protina tulad ng karne, isda, itlog, keso at mga butong gulay. Sa kabilang banda, iwasan ang mga pagkaing matataba at mamantika.
- Tiyaking palaging malinis ang kamay at pangangatawan upang ligtas ang paghahanda ng pagkain.
- Maging aktibo. Ang tamang pagpili ng mga pagkain, pagpapanatili ng wastong timbang at pag-eehersisyo ay siguradong magdudulot ng iyong magandang kalusugan.
Kabataan, ang tamang nutrisyon, iyong alamin, isagawa at isabuhay bilang kaagapay sa paghahanda ng sarili sa pagtupad ng pangarap. Kaya’t ikaw, mag-aaral, magbalik paaralan na may ngiti, kapiling ang kalusugang maluwalhati. (Source: FNRI-DOST)