Ang mga araw mula sa pagbubuntis hanggang sa ikalawang taon ng inyong anak ay ang tinatawag na First 1000 Days.
Mayroon itong tatlong (3) pangunahing yugto:
1. Habang nagbubuntis – Ito ay binubuo ng 270 na araw o siyam (9) na buwan
2. Si Baby 0-6 Buwan – Ito ang unang araw pagkapanganak ni Baby hanggang sa ika-anim na buwan kung saan sinusulong ang eksklusibong pagpapasuso kay Baby. Kalakip nito ang pagsubaybay sa “developmental milestones” ni Baby.
3. Si Baby 6 Buwan hanggang 2 Taon – Ito ay ang yugto kung saan magsisimula nang kumain si Baby habang patuloy ang pagpapasuso ni Nanay at makamit ang kanyang “developmental milestones”.
Kapag buntis na si Nanay, ating pakatandaan:
Ang kalusugan at wastong nutrisyon ni Nanay habang buntis at ni Baby sa unang 2 taon ay ang pinakaepektibong paraan upang masiguro ang ang kaligtasan, kalusugan, talino at kakayahang kumita paglaki ng anak niyo! (Source: NNC 1 Facebook)