Isang Paanyaya

(Buong puso kong inihahandog sa ating mga kababayan sa lahat ng Estado ng America)

Alam mo kahit ikaw ay isang American citizen na
Filipino ka pa rin maniwala ka sana
Alam ko matagal ka nang nakatira dito sa bansang America
Subalit huwag mo sanang malimutan si Luzviminda!

Ang nakapagtataka sa iyo, mahal kong Kabayan
Ni minsan di ka man lamang nagbalikbayan
Bakit ano ba ang mabigat na dahilan?
At nakalimutan mo nang tuluyan ang mahal nating bayan!

Baguhinn mo na ang iyong pag-iisip, Kabayan ko
Wala na bang natirang pagkasabik sa iyong puso
Na makita muli ang kagandahan ni Luzviminda
Ang mahal nating inang bayang nag-iisa?

Nakalimutan mo na ba ang isang kasabihan
Ang di marunong lumingon sa pinanggalingan
Tiyak na di makarating sa kanyang paroroonan—
Panahon na para maghunos dili ka, mahal kong Kabayan.

Alam ko na sa kaibuturan ng iyong puso—
Meron pang natirang pagmamahal mo kay Luzviminda
At huwag mo sanang itakwil ang nararamdaman mo
Kabayan, sundin mo ang ibinubulong ng iyong puso.

Ala, eh, Kabayan, pakinggan mo ang daing ni Luzviminda
Maawa ka naman sa ating mahal na bayan
Lalo na ngayon ang mga politikong pulpol
Nag-aaway sila parang mga asong ulol!